Kim dedma sa basagulerang fans ng tamad na male PBB housemate


Sa social media pa rin ay dedma lang ang bukod tanging naging reaksyon ni Kim Chiu mula sa supporters ng mga bagets na sina Joshua, Loisa at Mariz na siyempre pa’y siyang isinusulong ng kanilang fans para maging bahagi ng Big 4 sa nalalapit nang pagtatapos ng PBB All In.

Minsan kasing nakapag-opinyon ang dating PBB teen grand winner lalo na tungkol sa katamaran ni Joshua kaya’t ang sumunod na mga eksena ay ang pagpatol dito ng bashers at pagtatanggol ng mga ito kay Joshua.

Wala kaming makitang mali sa sinabi ni Kim at sumasang-ayon din kami sa sinabi niya, kaya sana tigilan na ng bashers ang aktres dahil nagpakatotoo lang siya.

( bandera.ph file photo )

Read more...