KUNG si Ciara Sotto raw ang tatanungin, mas type niya raw na maging girl ang unang baby nila ng asawang si Jojo Oconer. Mahigit isang buwan nang buntis si Ciara ngayon.
At alam n’yo ba na buntis na pala siya nu’ng lumaban sa final showdown ng Celebrity Dance Battle ng TV5 kung saan nag-pole dancing pa siya with matching acrobatics.
At dahil dito, medyo naging emosyonal ang actress-dancer, nasabi pa nga niya na parang hindi siya deserving sa napakagandang blessing na ito na dumating sa kanya at sa kanyang mister.
“I know I don’t deserve this blessing coz I haven’t really taken care of myself… I’m always working out,” chika ni Ciara na kilala bilang isa sa pinakamagaling na pole dancer sa bansa.
Pero sabi ng anak nina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa, “And then God gave me this gift. Perfect timing from God talaga. It’s a blessing!”
Inamin ni Ciara na medyo delikado ang pagbubuntis niya kaya triple ang ginagawa niyang pag-iingat. Hindi rin daw nagkukulang ng suporta ang kanyang asawa at ang kanyang pamilya sa kalagayan niya ngayon.
At siyempre, bawal na bawal na siyang mag-pole dancing ngayon. Gusto nina Ciara at Jojo na maging babae ang first baby nila, chika nga ng aktres, “Ang dami kong pamangkin na boys, isa lang ‘yung niece ko.
‘Yung niece ko sobrang favorite ko siya, so gusto ko ng sarili kong ganu’n.”
( bandera.ph file photo )