Paulo, KC matagal nang magdyowa pero bawal umamin


AYAW nang magdetalye pa ni Paulo Avelino tungkol sa estado na relasyon nila ni KC Concepcion. Marami ang nagsasabi na matagal nang magdyowa ang dalawa pero pinagbawalan daw na umamin sa publiko.

Kapag tinatanong sina KC at Paulo tungkol sa kanilang lovelife, pareho silang iwas na iwas pero puro papuri naman ang ibinibigay nila sa isa’t isa.

Ayon sa ilang nakakausap namin, naniniwala silang may relasyon na ang dalawa pero kailangan muna nila itong itago para sa kani-kanilang showbiz career.

Sa isang interview, natanong si Paulo kung ano na nga ba ang “status” nila ni KC ngayon, ang naging tugon niya, “Sa ngayon, we’re both busy with work. Mag-start na rin yata siya sa bagong movie niya.

Ako, I’ve been doing so many things din. Pero, we’ll see. We’ll see kung saan pupunta or kung ano ang mangyayari. “Basta as of now, priority namin both yung trabaho namin,” sey ng leading man ni Bea Alonzo sa Primetime Bida series ng ABS-CBN na Sana Bukas Pa Ang Kahapon na palaging hindi binibigo ang manonood sa galing ng kanyang akting.

Sa isyu naman ng pabubuntis diumano ni KC at siya ang itinuturong ama, sinabi ni Paulo na natural lang naman sa showbiz na matsismis ang isang aktres na nagdadalang-tao.

Lagi na lang daw nababalia na kapag umalis ng bansa ang isang artistang babae, buntis agad. “Sa trabaho naman namin, hindi mo naman maiiwasan na maraming rumors talaga. Maraming gossip na lumalabas.

Pero lumalabas din naman kung ano ang totoo at the end of the day. Kumbaga, wala namang katotohanan dun sa mga negative na rumors about her, so, yun lang,” sey pa ni Paulo.

May nagtanong din sa Kapamilya actor kung sa tingin ba niya ay wife material si KC, natawa muna siya bago raw sumagot, “I mean, kahit sino naman siguro puwedeng maging perfect wife, I think.

“Kahit sa anumang relasyon naman siguro, you can work things out. I mean, you can help each other to be perfect partners or work things out,” aniya pa.

( bandera.ph file photo )

Read more...