Marian: Kahit ilang anak, lumaki man ako…maibigay ko lang ang ikasasaya mo!


NAG-PROPOSE na si Dingdong Dantes kay Marian Rivera.  Live ang birthday episode ng dancing show ni Marian last Saturday sa studio 7 kung kaya’t live ding nag-propose ng kasal si Dingdong sa kaniya na ikinabingi yata ng lahat ng tao doon.

The GMA primetime king finally proposes to his girlfriend of nine years and she accepted it and so this could be this year’s biggest newsmaker of the year if not one of the top newsmakers of 2014. Ito rin ang hinihintay ng fans and friends ng dalawa.

“Yan (Marian) sa tagal ng pagsasama natin… may isang bagay na malinaw sa akin—that I want to spend the rest of my life with you. Kaya ngayon, saksi ang mga nahal natin sa buhay, gusto kong ipagsigawan sa buong mundo, na ikaw ang sagot sa aking mga dasal…

So please, Marian, will you be my wife?” says Dingdong habang nakaluhod. Napaiyak si Marian pati ang mga tagahanga nila. Sagot ni Marian, “Dad, gusto ko lang sabihin sa iyo na sa lahat ng pinagdaanan natin, sa lahat ng batikos na ibinato nila sa akin, lahat yun kaya kong lunukin.

Dahil alam nating dalawa kung ano ang totoo. At isa lang ang sasabihin ko sa iyo, habang buhay kitang mamahalin at aalagaan.”

Marian is turning 30 tomorrow and Dingdong is over 30 na rin so it’s the right marrying age for the two of the biggest stars of GMA. This is good career move na rin for Marian and Dingdong as all superstars never stay in the number one position for so long and so they must plan ahead the same way Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo then when they decided to get married.

Still the superstar that she is, Juday wisely choose marriage than stay single.  Dialogue pa ni Marian, “Kahit ilang anak, wala akong pakialam, kahit lumaki ang katawan ko, maibigay ko lang ang lahat ng ikasasaya mo.

Ganun kita kamahal!” Marian accepted Dingdong’s proposal so the big question na lang is kung kailan sila ikakasal at saan. Very happy ang lahat sa development na ito including this writer who wished we stayed a little longer.

Umabot kami sa Instagram show nina Marian and Dingdong at habang palakas nang palakas ang sigawan, we decided na lumabas na muna para hindi kami mabingi.

( Photo credit to EAS )

Read more...