Derek sa akusasyon ng ex-wife: Kilala n’yo naman ako!


Itinanggi ni Derek Ramsay ang mga akusasyon sa kanya ng diumano’y dati niyang asawang si Mary Christine Jolly.
Kamakailan ay ginanap nga ang preliminary hearing sa kasong Violation of R.A. 9262, Violation of Anti-Violence Against Women and Children na isinampa ni Mary Chrsitine laban kay Derek sa Makati Prosecutor’s Office.

Pero pagkatapos ng pagdinig ay tumangging magbigay ng pahayag ang abogado ng babae, pero sinabi nitong kinakabahan ang kanyang kliyente dahil hindi ito sanay sa mga ganu’ng eksena, “We would like to decline to comment about anything, about the merits of the case, because there are depending for the Fiscal’s office.”

Ayon naman sa lawyer ni Derek na si Atty. Joji Alonso sa interview ng Startalk, nang tanungin kung kumusta na si Derek, “He’s very sad, natural, kasi all of these things are false accusations, as we will prove on the 20th.”

Nang makorner naman ng ilang press si Derek sa isang showbiz event at tinanong tungkol sa kaso, ang naging tugon lang nito, “Kilala niyo ako, that’s not my ano…but of course, we want to know the truth.

All that matters is the truth.” Hintayin na lang natin ang susunod na kabanata.

( Photo credit to EAS )

Read more...