AKSIDENTE naming nakita ang pinaka-love namin na heartthrob sa showbiz na si Sam Milby sa Star Cinema office last Tuesday. He is with his manager na si Erickson Raymundo.
As usual, pila pa rin ang mga gustong magpa-picture kay Papa Sam na staff ng Star Records at Star Cinema. Siyempre, sinamantala na namin ang pagkakataon na mainterbyu si Sam.
Parang 40 years na ang nakalipas since our last sit-down interview with him. Ha-hahaha! Later in our interview with Papa Sam natanong namin kung may bagong movie ba siya na gagawin sa Star Cinema kaya nandoon sila ng manager niya.
Hindi raw, for a new project ang purpose nang pagpunta nila doon kundi ang paggawa niya ng bagong album. May meeting sina Papa Sam at Erickson sa Star Records head na si Roxy Liquigan. Excited si Papa Sam sa meeting dahil balik-recording daw siya after three years. Passion daw talaga niya ang music.
Wish ni Papa Sam na all-original ang maging laman ng next album na gagawin niya. Then, we asked him kung bakit siya nag-backout sa Metro Manila Filmfest entry na “English Only Please.”
Ang pangalan nila ni Angeline Quinto ang unang nakalagay nu’ng sinabmit ang pelikula sa MMFF. “Hindi ko alam na parang I was considered to be in the original cast.
Tapos ang daming nagtu-tweet na, ‘E, parang si Sam ang leading man sa movie.’ Wala akong alam. Then, they announced na si Derek (Ramsay) ‘di ba ang leading man? Pero ‘yun nga, even doon pagdating sa original cast I didn’t know about that.
So, it wasn’t like ah, I turned it down. I didn’t know about it at that time,” pahayag ni Sam. Sabi naman sa amin ng manager niya, mas gusto ni Sam na hindi siya busy sa darating na Pasko dahil magbabakasyon muli sa Pilipinas ang parents niya by that time.
“Yeah, nandito ang family ko but it was not the main reason. But, yeah, my family will be her for Christmas again, and New Year. Gusto ko kasama ang pamilya ko,” sabi niya.
Busy ngayon si Sam sa pagtapos ng shooting ng movie nila nina Anne Curtis at Cristine Reyes na “The Gifted” directed by Chris Martinez under Viva Films. Ipapalabas daw ang pelikula on Sept. 3.
“Doing a movie under Viva Films? Masaya, and, ‘yung movie kasi namin is comedy talaga. (Not) even romantic comedy, e,” ngiti niya.
Since may image na mga sexy star ang mga kasama niya sa pelikula, tinanong naming si Sam kung nakipagsabayan din ba siya ng hotness kina Anne at Cristine sa “The Gifted.”
“Basta abangan ninyo. May sexy? Ah, e, Cristine and Anne, you have to expect more on that side,” nara-rattle na sagot niya.
Ayaw naman niyang aminin na ang “The Gifted” ang pinakaseksi niyang pelikula to date.
Pero nasa genre raw ng dark-comedy ang pelikula nila.
( bandera.ph file photo )