Iza: Gusto ko naman nire-rape tapos pumapatay!


Hindi pala pressured magkaanak si Iza Calzado maski na 32 years old na siya sa Agosto 12 dahil katwiran niya ay hindi pa niya naiisip maging ina.

Karamihan din kasi sa ibang artista, babae o lalaki man na kapag tumuntong na sa 30’s ay gusto na nilang magkaanak kahit wala pang kasal para raw masabayan nila sa pagtakbo ang mga anak nila.

Sa solo presscon ni Iza para sa “Somebody To Love” ay natanong namin siya habang kumakain ng salad (base sa diet niya) tungkol sa pagkakaroon ng anak.

Parang hindi yata pabor si Iza sa anak muna bago ikasal dahil hinihintay niyang mag-propose ang boyfriend niyang super busy din sa negosyo sa ibang bansa.

Edad 33 na ang boyfriend ni Iza pero hindi pa rin nagyayayang magpakasal kaya tinanong namin kung hindi pa siya nag-aalala na baka mahirapan siyang magkaanak, “Hindi naman, marami namang nanganganak na medyo late na, ‘yung iba nga, earlier (age), pero may defect din, so hindi mo masasabi talaga,” katwiran sa amin.

Sabi namin halimbawang mag-anak siya ng 32 at pagkalipas ng 10 taon ay 42 na siya at 10 taon palang ang anak niya, paano pa niya hahabulin ito pag tumatakbo, “Well, that’s why I keep active and healthy lifestyle,” nakangiting sagot ng dalaga.

Samantala, kinokontra naman ng entertainment editor na si Isah Red ang pag-aasawa ni Iza, pabayaan na lang daw maging single muna ang aktres. Kaya biniro si Iza ng ilang katoto na baka maging lesbian siya.

“Oo nga.  Babae po ako at lalaki ang gusto ko,” salag ng aktres. Samantala, excited si Iza sa “Somebody To Love” dahil iba raw ang role niya rito na hindi pa niya nagagawa sa mga pelikulang nagawa na niya, bitchy-bitchy pero hindi naman daw siya ganito sa tunay na buhay.

May dream role raw si Iza, “Gusto ko naman medyo bad, nire-reyp, o ‘yung papel na prosti, tapos pumapatay, (mala Angela Markado), kasi lagi na lang akong good girl, e, para maiba naman,” say ng aktres.

Oo nga, mukhang bagay kay Iza ang pelikulang “Angela Markado” na ginampanan noon ni Hilda Koronel.

( Photo credit to iza calzado official fanpage )

Read more...