PANSAMANTALANG nagsara ang 72 tindahan ng Jollibee Foods Corp., ang pinakamalaking fast food company sa bansa.
Ito ay bunsod nang kakulangan sa ibinibentang mga popular na produkto gaya ng Chicken Joy.
Nagpaumanhin naman ang Jollibee sa mga kostumer nito na hindi nasilbihan ng mga paborito nilang pagkain.
Itinanggi naman ng Jollibee na may supply shortage.
Ayon dito, nabalam lang ang operasyon ng may 72 outlet dahil sa migration ng bagong IT system na ipinatupad ngayong buwan.
Siniguro naman ng Jollibee na mareresolba ito sa mga susunod na araw.
MOST READ
LATEST STORIES