‘Wansa’ nina Vhong at Carmina wagi sa rating


Pinakapinanood na Sunday program sa buong bansa ang unang episode ng Wansapanataym special nina Vhong Navarro, Carmina Villarroel, at Louise Abuel na pinamagatang “Nato de Coco.” Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Linggo kung saan nanguna sa listahan ng most watched TV programs sa Pilipinas ang pilot telecast nito taglay ang national TV rating na 26.5%, o halos walong puntos na lamang sa katapat nitong programa sa GMA na Ismol Family (18.6%).

Samantala, mas magiging panalo sa TV viewers ang dobleng kasiyahan na ihahatid ng Wansapanataym simula ngayong weekend (Agosto 9 at 10) dahil mapapanood na ang original storybook ng batang Pinoy sa bago nitong timeslot tuwing Sabado sa ganap na alas-7:15 ng gabi at Linggo sa ganap na alas-7 ng gabi.

Sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents Nato de Coco, magsisimula nang magbago ang buhay ni Oca (Vhong) matapos niyang iwan ang kanyang asawa’t anak para sa kanyang karera bilang isang basketball player.

Ngunit sa kabila ng kanyang kagustuhan na makabawi sa anak na si Nato (Louise) ay hindi na magagawa ni Oca na humingi dito ng tawad dahil sa isang malagim na aksidente.

Makababawi pa ba si Oca kay Nato kapag nabigyan siya ng isa pang pagkakataon na makasama ito bilang isang buko?

Read more...