Babalik ang unang BF (2) | Bandera

Babalik ang unang BF (2)

Joseph Greenfield - August 09, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Gracey, ng Hinabangan, Samar
Problema:
1.      Nababahala na ako sa aking nararamdaman ngayon.  Masaya naman ako sa aking ikalawang boyfriend, pero kapag sweet and private moments na namin ay ang mukha pa rin ng aking unang boyfriend ang nakikita ko.  Ang nararamdaman ko sa aking katawan ay ang dati ko pa ring boyfriend.  Natatakot ako na baka ako makalimot at masambit ko ang pangalan ng dati kong boyfriend.
2. Mabait pa naman at mapagbigay sa lahat ng bagay ang ikalawa kong boyfriend. Ang una kong boyfriend ang nakauna sa aking katawan kaya’t hindi ko makalimutan ang sarap ng kanyang pagmamahal.  Bigla na lamang siyang umalis at may pupuntahan daw siyang probinsiya.  Iyon lang ang dahilan ng kanyang pag-alis at di na siya nag-text o tumawag sa akin.  Patay na ang dati niyang number.  Babalik pa kaya ang una kong boyfriend?  Parang nahaharap ako ngayon sa mas malaking problema.
Umaasa
Gracey, ng Hinabangan, Samar
Solusyon/Analysis
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing kung sinuman sa dalawang lalaking gumugulo sa buhay mo ngayon ang isinilang sa zodiac sign na Sagittarius,  tiyak ang magaganap, sa bandang huli siya ang nakatakda sa iyo na makakasama mo habambuhay.
Numerology:
Kung pareho namang Sagittarius ang zodiac sign ng dalawang lalaking gumugulo sa isipan mo sa ngayon, ayon sa birth date mo, ang lalaking mapapangasawa at makakasama mo habang buhay ay siyang isinilang sa petsang 5, 14 o kaya’y 23.
Graphology:
Samantala ang maganda at maayos mong lagda, na hindi nababoy o naburara ang nagsasabing kung sino ang unang lalaki na iyong minahal, dili’t iba nga ay ang first boyfriend mo na sa taon ding ito kusa rin siyang magbabalik sa iyo.
Huling payo at paalala:
Gracey, tama ang binabalak mo, ‘wag mong gawing panakip butas sa pangungulila mo sa first love mo ang kasalukuyan mong BF. Kung hindi mo naman siya mahal makipag-break ka na sa kanya.  Ayon sa iyong kapalaran, muling magbabalik ang first love mo, upang muli nyong pagdugtungin ang inyong pagmamahalan, na hahantong na a isang maligaya at panghabambuhay na samahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending