Daniel kay Kathryn: Yung mga bad side ko po, nababago niya!


PINAIYAK ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo!  Naging emosyonal ang selebrasyon ng Star Cinema, kasama ang mga bida ng blockbuster movie nilang “She’s Dating the Gangster” dahil nga sa pag-iyak ni Kathryn.

Balitang kumita ng P260 million (as of last Thursday) ang nasabing pelikula kaya todo ang pasasalamat nina Daniel at Kathryn sa lahat ng sumuporta sa kanilang pelikula.

Dito na nga nagbigay ng speech ang magka-loveteam para sa kanilang supporters. Pero ang talagang ikinakilig ng audience ay ang message ni Daniel para kay Kath, aniya, “Kay Kathryn talaga…Bal (tawag niya sa dalaga mula sa salitang kambal), thank you so much.”

“Alam n’yo sa sobrang opposite namin ni Kathryn, ‘yung mga bad sides ko, nababago niya. Nagiging good sides na siya. Totoo. Iyong sa kanya, nababago ko rin.

Opposite nga, eh. ‘Yung good, nagiging bad na!” nangingiting biro ng binata. At dito na nga humingi ng panyo si Kathryn dahil tuluyan na siyang naluha.

Hirit pa ni DJ, “Nagpapasalamat ako at si Kathryn ang nakasama ko sa lahat ng babae sa industriya. Marami pa tayong gagawing projects na magkasama, at lahat iyan gagawin natin kasama ang mga taong itong nasa harap natin.”

Sa interview naman ng ABS-CBN kay Kathryn, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na lagpas P200 million na ang kinita ng movie nila ni Daniel, “Super-duper saya ng pakiramdam.

Sobrang saya talaga. Si-guro aside doon sa masaya, nakaka-proud ‘yung movie na ‘to. First time namin ni DJ na ‘yung movie namin, ganito kalaki.”

Kung wala nang magi-ging problema, tuloy na tuloy na ang bagong teleseryeng pagsasamahan nina Kathryn at Daniel, ang remake ng super hit series na Pa-ngako Sa ‘Yo nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

( bandera.ph file photo )

Read more...