Kris palpak na naman sa pagtatanggol kay PNoy; pinaplastik lang si VP Binay

KRIS AT NOYNOY AQUINO

Palpak na naman si Kris Aquino.

Sa dinami-dami kasi ng mga puwede niyang salihang isyu, eh bakit naman kasi nagpipilit pa siyang umeksena sa pulitika. Ang latest nga ay ang pagbibigay opinyon niya sa napabalitang imbitasyon ng partido ng kapatid niyang si Pangulong P-Noy kay Vice-President Jejomar Binay para ito ang maging standard bearer umano sa darating na 2016 presidential elections?

“Why not,” ang bahagi ng tsika ni Kris at idinamay pa ang iba niyang sisters na ayon sa kanya ay uma-agree din dahil nga napag-uusapan nila ang naturang balita. Nakakaloka ang babaeng ito dahil sa paghahangad niyang magsilbing “good spokesperson” para maging positive ang lumamlam nilang popularidad eh, lagi siyang nababantilawan at nagmumukha tuloy “Pilita” (read: nagpipilit) sa mga isyung pambansa.

Mukha ngang hindi na ma-distinguish nina Kris ang difference ng realidad ng buhay ng isang Pinoy sa mga pantasya niya sa showbiz! Subukan kaya nilang maging mahirap kahit isang araw lang. Yun bang maiipit siya ng mahigit dalawa hanggang tatlong oras sa trapik ng nasa jeep o bus na walang aircon, o lumusong sa baha at makikipaggitgitan sa MRT! Try lang nila.

Read more...