Arjo kinilabutan nang makaeksena si Sylvia

SYLVIA SANCHEZ AT ARJO ATAYDE

PUMASOK na finally ang character ni Ms. Sylvia Sanchez as the “baliw” na ina ng mismong anak na si Arjo Atayde sa soap opera na Pure Love nu’ng isang gabi. Inabangan talaga namin iyon dahil first time na magsasama ang mag-ina sa isang project.

Sobrang excited kami dahil nais naming matunghayan kung paano nila bibigyang-hustisya ang kanilang mga eksena together.

Mahirap yatang makaeksena ang nanay mo na napakahusay umarte.

“Nu’ng una kong marinig na magsasama kami ni mommy sa Pure Love and she will be portraying as my mom, siyempre kinilabutan ako. Ini-imagine ko pa lang na makakabatuhan ko siya ng dialogues parang nininerbiyos na ako. Kasi nga, maliban sa pagmamahal ko sa kaniya bilang mommy, idol ko siya sa pagiging artista.

“Kaya nu’ng mag-taping na kami, medyo tense ako lalo na sa mga scenes namin. Pero siyempre, napadali lang yung mga eksena dahil inalalayan niya ako,” ani Arjo na sobrang bait talagang anak.

Napanood ko ang scenes nila together at talagang nakakapanindig-balahibo. Ang husay nilang dalawa. Hindi sila nagsapawan.

Kung tutuusin ay mararamdaman mong naggi-give way si Sylvia nang pasimple for her son pero hindi mo talaga mahahalata. Kasi nga, hindi nagpatalbog si Arjo.

Kaya hayun, nag-trending sa social media ang mag-ina. Ganda ng Pure Love ngayon – lalo na nitong pumasok ang character ni Sylvia. Hanggang kailan kaya sila magsasamang mag-ina rito?

“Hanggang sa dulo na siguro. Ha-hahaha! Hindi ko pa alam. Wala pa namang sinasabi pero feeling ko, magsasama kami ng anak ko sa buong palabas,” ani Sylvia.

Sana nga ay dumiretso na ang character ni Ibyang dito. She added color sa said serye. Kaya huwag palampasin ang mga magaganda at maiinit na eksena sa Pure Love, before TV Patrol during weekdays sa ABS-CBN.

Read more...