True ba nag-away daw kamakailan sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli? Kumalat kasi ang chika na nagkaroon daw ng tampuhan ang dalawa nang hindi payagan ang Pop Princess na pumunta sa Cebu.
Ayon sa chika, plano sanang sumama ni Sarah kay Matteo sa Cebu para suportahan ang boyfriend sa sinalihan nitong triathlon event. Pero hinarang nga raw ng parents ng singer-actress ang kanyang Cebu trip.
Pero agad naman itong nilinaw ng Kapamilya actor-TV host, “Wala naman, wala naman, (kaming away).”
Nakasama ni Matteo sa nasabing sport event sina Kim Atienza, Piolo Pascual at Ryan Agoncillo.
Hindi raw sigurado si Matteo kung makakasama na si Sarah sa susunod niyang race sa Sept. 28 na gaganapin sa Bohol.
Feeling naman namin, totoong nagkakatampuhan din ang dalawa, pero hindi naman siguro matinding away. Baka na-upset lang ang magdyowa dahil umasa na silang magkakasama sa isang out-of-town trip pero napurnada pa.