Ito ang mensahe sa amin ng ilang kakilalang tumututok sa serye, kabilang na ang ilang artista, “Reggs, anong nangyayari, bakit parang ang bagal ng pacing ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon? Laging bitin? Pinasasabik ang viewers, saka paulit-ulit ‘yung trailer, halatang ini-stretch, laging commercial break.”
Sabi namin baka kaya pinuputol-putol ay dahil sa rami ng commercial at kailangang pagbigyan iyon, “E, nagsasa-suffer naman ang quality ng palabas. Bibitawan ‘yan ng manonood,” sagot sa amin.
Oo nga. Kaya naman nagtanong kami sa mga taga-Dreamscape Entertainment tungkol sa seryeng nina Bea Alonzo, Maricar Reyes, Paulo Avelino, Albert Martinez at Ms. Susan Roces.
“Ako rin Reggs, I feel the same way, pero ginagawan na ng paraan ng creative at production, thanks!” sagot sa amin.