Sulat mula kay Colina ng Barangay Vintar, Valencia City
Problema:
1. Natatakot ako na hindi ko na maaabot ang pangarap kong ganap na maging health worker balang araw, at lisensiyado pa ng Professional Regulation Commission. Ang aking pag-aaral sa kolehiyo ay nakasalalay palagi sa kikitain ng kapirasong bukid na minana ng aking mga magulang. Dumaan ang matagal na ulan at binaha ang mga pananim.
2. Pati nga ang budget sa aming pagkain ay apektado na ng patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat na bilihin. Hindi na nga ako nakapag-enroll at sa susunod na semester ay malabo pa rin. Walang trabaho rito kaya gusto ko nang mag-abroad pero magulo raw ngayon sa Middle East. Makapaga-abroad ba ako? Makatatapos ba ako sa pag-aaral at magiging ganap na lisensiyadong health worker?
Umaasa,
Colina ng Barangay Vintar, Valencia City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
S
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang babaing magbibigay sa iyo ng trabaho ay isinilang sa petsang 5, 14, o kaya’y 23. Siya ang makatutulong sa iyo para maging working student ka sa susunod na semester.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na maliit at medyo chinita ay nagsasabing isang lalaking medyo payat na matangkad ang iyong magiging boyfriend, at ang boyfriend mong ito, bukod sa pagiging working student mo ay matutulungan ka rin sa aspetong financial.
Color Test:
Upang mangyari ang lahat ng pag-aanalisang inilahad na sa itaas, may tutulong sa iyo upang makatapos ka ng kolehiyo, lagi kang magsuot ng kulay berde at powder blue. Ang nasabing kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran.
Biorhythm Chart:
Ayon sa iyong Biorhythm Chart umangat ng husto ang graph ng Career at Pag-ibig sa taon 2017, kung saan sa nasabing panahon, makakatapos ka ng college at makalipas ang isang taon, makapag-aasaa ka ng isang professional. Sa nasabing pag-gradueyt sa college at pag-aasawa doon na rin magsisimulang umunlad ka at makabuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya.
Colina, nakahanda na ang susuungin mong kapalaran, kung saan, magiging working student ka, makakatapos ng college sa kursong napili mo hanggang sa tuluyang makapag-asawa ng professional na lalaki hanggang sa magkaroon ng maunlad at maligayang pagpapamilya.