Walang personalan, trabaho lang

KUNG napanood ninyo ang sex video ng TV5 newscaster and public affairs host na si Paolo Bediones, parang walang kalatoy-latoy.

Walang karoma-romansa sa babae si Bediones. Dapat sigurong kumonsulta si Paolo sa mga sex experts.

Yung babae naman ay nakatingin lang sa camera at hindi alam na darating ang oras na kakalat ang kuha nila ng anchorman.
Although she looks like a woman of the world, mukha naman siyang disente.

Kawawa naman siya!

Inuulit ko ang payo ko sa mga kababaihan sa nakaraang column: Huwag pumayag na mai-record ang inyong pagnineig sa harap ng camera!

Hindi kayo porno stars na binabayaran para gawin ang ganoong akto, bakit kayo papayag na makita ang inyong sexual act.
Kahit pa magsumamo ang inyong boyfriend o maging asawa ninyo na kayo lang ang makakapanood ng video, huwag kayong pumayag.

Hindi ninyo masabi na ‘pag naghiwalay kayo ay hindi ikakalat ng lalaki sa publiko ang inyong pagniniig.

Going back to Paolo, Binabak-apan daw ng management ng TV5 si Paolo dahil personal naman daw niyang problema yung video at hindi sa management.

Ang video ay naging viral sa Internet at sa mga cellular phones.

Nababaitan ako kay Paolo dahil sa kanyang ginagawa sa pagliligtas ng mga taong nanganganib ang buhay sa baha na recorded on camera at napapanood sa TV5.

Pero lahat ng nakausap ko ay nagsasabi na mukhang nabawasan ang kanyang integridad at kredibilidad bilang newscaster.

Ang TV newscaster o reporter ay dapat may integridad at kredibilidad sa mga viewers.

Kapag nagbabasa ngayon ng balita si Paolo sa TV5, ang tingin sa kanya ng tao ay sex object dahil naalala nila ang kanyang sex video.

Puwede pa rin siyang maging public affairs show host at patuloy siyang magligtas ng mga taong na-trap ng baha, pero I doubt if his star will still rise as a newscaster.

Nilapitan daw ni Paolo ang aking kapatid na si Erwin na kanyang kasama sa TV5.

Sinabi niya ang kanyang sentimyento kay Erwin tungkol sa aking pagkakasulat sa kanya sa nakaraang column.

Walang personalan ang ginagawa kong pagsulat, Paolo, trabaho lang ito.

Read more...