Mylene Dizon baliw na baliw kay Jason Webb


MAGDYOWA na nga ang magaling na aktres na si Mylene Dizon at dating PBA player na si Jason Webb.  Ayon sa nakalap naming tsika, mag-iisang taon nang magkarelasyon ang dalawa na nagklik nga raw agad as good friends (and parents) noong magkakilala sila.

Matagal na nahiwalay sa kanyang asawa si Jason, habang si Mylene naman ay noon pa rin naging isang single parent. Ang huli niya yatang naging karelasyon na taga-showbiz ay si Paolo Paraiso pa, nagkaroon din sila ng dalawang anak.

Sey ni Mylene, sana raw ay si Jason na ang huling lalaki sa buhay niya. Hintayin na lang natin kung sa kasalan na mauuwi ang kanilang love affair.

Pansin namin, dumarami na yata ang female stars natin na nai-in love sa mga basketball players, ha! Successful diyan sina Kyla, Cheska Kramer, Danica Sotto, LJ Moreno, at kahit yung kilala naming famous male TV host. Ha-hahaha!

Pero tila malas naman diyan sina Ai Ai de las Alas, Juliana Palermo, Wendy Valdez, Rufa Mae Quinto, Maricar de Mesa, Sarah Meier, Mickey Ferriols at ang half sister nitong si Jackie Forster? Naku, marami pang iba, pero nakalimutan lang namin ang mga names nila, di ba kapatid na Ervin? Hindi naman siguro si Kris Aquino ang nagpauso niyan, di ba?

Ah, naalala ko pa, nandiyan din sina Bianca Gonzales at Ginger Conejero, and we heard pati si friendship Aiko Melendez at ilang kilalang beauty queens! Ah basta, bilog talaga ang bola! Yun lang!

 

Read more...