SO, natuloy rin pala ang inaabangang Valentine’s date nina Sarah Geronimo and Gerald Anderson.
Kaya lang, hindi naman masasabing nasolo ni Gerald ang pop singer dahil marami silang magkakasama, “It was a group date. Magkasama kami.
Nag-KTV kami. Nandu’n ‘yung nanay niya. It was a great fun night,” sabi ni Gerald sa launching niya as the newest endorser of Mint, isang clothing line.
Ayaw na niyang mag-elaborate matapos mag-follow up question sa kanya, “‘Wag na tayong magdetalye kasi personal life ko na ‘yun.
Okay na ‘yon. Masaya ako,” sabi ng actor.
Gerald stressed that hindi pa nag-level up ang relasyon niya kay Sarah, “Hindi lang dahil nakasama ko si Sarah noong Valentine’s Day (ay) ibig sabihin ‘yung nga, kami or ano.
Kumbaga, single siya, single ako, walang masama doon.”
Inamin din ng actor na nakapunta na siya sa bahay ni Sarah noong ibinigay niya ang Christmas gift niyang Tiffany necklace sa dalaga.
Wala pang maibigay na description si Gerald sa relasyon niya kay Sarah except for saying that, “Sa ngayon friends kami”.
Ayaw sabihin ni Gerald kung saan dadalhin ang friendship nila ng pop singer at hindi rin niya masabi kung willing siyang magsakripisyo mapasagot lang niya ang dalaga.
“Tingnan natin. Kumbaga ayoko din namang sabihin na oo agad.
We have to take it slow. Kung may bagong updates pag-usapan natin.