Maja, Gerald nagpakaligaya sa South Africa


Magkasama palang nagbakasyon ang magdyowang Gerald Anderson at Maja Salvador sa South Africa. Ilang larawan na kuha sa kanilang out-of-the-country trip ang ipinost ni Maja sa kanyang Instagram account.

In fairness, marami ang kinilig at nainggit sa sobrang kaswitan ng dalawa, lalo na du’n sa picture kung saan yakap ni Gerald si Maja habang hinahalikan sa noo. Sabi nga ng ilang followers ng aktres, mukhang mahal na mahal nga siya ni Gerald.

Ang nasabing picture ay nilagyan pa ni Maja ng caption na, “I love you south africa. Salamat pogi masaya ako nakasama kita #bucketlist #capetown #northcape!”

Nasa South Africa si Maja para sa isang photo shoot ng isang magazine (together with Erich Gonzales, Julia Barretto and Kathryn Bernardo) kaya sinamantala na rin nila ni Gerald ang mamasyal doon.

Kitang-kita sa mga litratong ipinost ni Maja ang kaligayahan habang magkasama sila ni Gerald and vice versa.
Mukhang nagkamali ang kanilang detractors sa pagsasabing maghihiwalay din agad-agad ang magdyowa dahil sa nakikita namin, seryoso talaga sina Gerald at Maja sa isa’t isa.

( Photo credit to EAS )

Read more...