Vilma ibinandera ng mister; pwedeng-pwede raw maging VP sa 2016

KWALIPIKADONG tumakbo si  Batangas Gov Vilma Santos bilang bise presidente sa 2016, ayon sa kanyang asawang si Senate Pro Tempore Ralph Recto.

Aniya, siyam-anyos pa lamang si Vilma ay nagtatrabaho na ito bilang artista at nagsilbi ring mayor bago naging gobernador.

“She’s able already to do her share in nation building,” giit ni Recto.

Ayon pa kay Recto, wala namang duda na karapat-dapat si Vilma  na tumakbo bilang pangalawang pangulo.

“There’s no doubt qualified siya as she has her head in the right place, and her heart in the right place,” aniya.

Nanalo bilang alkalde ng Lipa City si Vilma noong 1998 bago naging gobernador noong 2007.

Read more...