Mga paring Pinoy tinira sa ‘HUSTISYA’ ni Nora


LAST Saturday, sinuong namin ng alaga nating si Michael Pangilinan ang malakas na ulan makaabot lang sa gala night ng Cinemalaya entry ng mahal nating Superstar na si Nora Aunor entitled “Hustisya” sa CCP Main Theater.

Galing kami earlier sa MOR sa ABS-CBN para sa launching ng Himig Handog, siya ang mag-i-interpret ng isa sa mga song entry, ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako” composed by Joven Tan.

Before the movie ay kailangan pa naming makipag-emergency meeting with some friends for a show sa Icebergs, tapat ng CCP.
Tamang-tama ang pagdating namin sa CCP Main Theater at pag-upong-pag-upo namin ay siya namang pagsisimula ng film.

Para ngang hinintay lang kami bago sila nagsimula. Galing, di ba? Ha-hahaha! Seryoso si Michael sa panonood sa entry ni Mama Guy. Halos hindi siya humihinga at pinakikiramdaman ko kung mababagot siya dahil Tagalog movie nga itong pinapanood namin. In fairness, masayang tinapos ng alaga nating bagets ang pelikula at na-impress siya sa mahal nating Superstar ha!

“Galing ni Mama Guy sa movie, ‘no? Ibang klase pala talaga siyang umarte – kahit anong role yata ang ibigay mo sa kaniya ay naitatawid talaga niya nang maayos,” ani Michael after the movie.

In fairness to the film, it was well-written (by Ricky Lee) and well-directed (by Joel Lamangan). Malinaw ang paglalahad nila ng kanilang mensahe – it showed the so much corruption sa government – ang malawak na mga sakit ng lipunan, drugs, human trafficking, prostitution, etcetera.

And Nora Aunor proved everyone na she can also carry an offbeat role from star to end – hindi yung typical na Nora na napapanood natin in her past films.

Yung mga punchlines niya – Nora na nagmumura literally sa ilang mga eksena, and that legendary laughter sa ending. Nakakaloka. Ibang klase!

All the actors were truly good. Lalo na sina Rosanna Roces at Rocco Nacino – ibang klase. Ang huhusay. Same with Chynna Ortaleza na pumantay kay Nora Aunor sa pag-atake sa kaniyang papel. Hindi siya nadehado considering na isang Nora Aunor ang kabatuhan niya ng mga linya.

Ganda ng movie – very gray ang istorya. True-to-life kumbaga. Reyalidad ng lipunan ang makikita sa kabuuan ng pelikula and in fairness, fast-paced ito at hindi boring.

My gosh! Nakakaloka ang dami ng tao sa CCP. Sa totoo lang, masuwerte lang kami at meron pa kaming nakuhang upuan. SRO talaga to the max.

“Nabigla lang ako sa karakter ng isang pari sa film, yung pagka-corrupt niya. Siyempre, dahil pari ako, medyo nagulat ako though alam kong meron talagang ganoon somewhere out there,” ani Fr. Eric Luzong na kaibigan namin from San Fernando, Pampanga.

Naku, you shouldn’t miss this movie. Though alam naman nating marami ring magagandang entries sa kasalukuyang Cinemalaya, huwag niyong palagpasin ang “Hustisya”. Di-hamak namang mas matitino ang entries sa Cinemalaya compared to the MMFF natin the past years, ‘no!

Ano naman ang kuwenta ng mga pelikula nina Vice Ganda, Kris Aquino at kung sino-sino pa sa MMFF? Wala silang panama compared sa kahit pinakamaliit na Cinemalaya entry this year. Nakakahiya sila, di ba?

( bandera.ph file photo )

Read more...