Mahabang guhit, suwerte | Bandera

Mahabang guhit, suwerte

Joseph Greenfield - August 06, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Colina ng Barangay Vintar, Valencia City
Dear Sir Greenfield,
Natatakot ako na hindi ko na maaabot ang pangarap kong maging health worker at lisensiyado ng Professional Regulation Commission balang araw.  Ang aking pag-aaral sa kolehiyo ay nakasalalay palagi sa kikitain ng kapirasong bukid na minana ng aking mga magulang.  Dumaan ang matagal na ulan at binaha ang mga pananim.  Pati nga ang budget sa aming pagkain ay apektado na ng patuloy na pagtaas ng presyo ng lahat na bilihin.  Hindi na nga ako nakapag-enroll at sa susunod na semester ay malabo pa rin.  Walang trabaho rito kaya gusto ko nang mag-abroad pero magulo raw ngayon sa Middle East.  Makapaga-abroad ba ako?  Makatatapos ba ako sa pag-aaral at magiging ganap na lisensiyadong health worker?
Umaasa,
Colina ng Barangay Vintar, Valencia City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Huwag kang malungkot at mawalan ng pag-asa.  Malinaw ang guhit sa iyong palad at mahaba ang Fate Line (Illustration 1-1 arrow 1.).  Ang ibig sabihin nito, meron kang maaasahang career at magiging abala ka sa buhay.  Ngayong hindi ka muna nakapag-aaral, pilitin mong dumiskarte at ilabas ang iyong nalalaman o talino para kumita ka pansamantala habang nasa Pilipinas pa.
Cartomancy:
Five of Diamonds, Two of Hearts at Six of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang maganda at maputing babae ang tutulong sa iyo para makapagtrabaho sa mall, malaking grocery o computer café. Sa nasabing trabaho magsisimula ang maganda mong career, hanggang sa ikaw ay maging successful na working student.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending