Alex nai-in love na kay Joseph Marco?


Aminado ang Pure Love star na si Alex Gonzaga na katulad din siya ng ibang girls at girls-at-heart na nabighani sa kakaibang karisma ng leading man niyang si Joseph Marco na halos gabi-gabing trending topic sa Twitter dahil sa love triangle na nabubuo sa kanilang mga karakter sa serye na sina Dave (Joseph), Ysabel (Yen Santos) at Diane (Alex).

Say ni Alex, “Hindi ko masisisi ‘yung viewers namin na agad na-in love kay Joseph kasi talagang may something special sa kanya. “Very mysterious kasi si Jowsy (tawag ni Alex kay Joseph) kaya akala ko noong una, hindi kami magiging close.

Pero mali ako. Kasi napakabait niya, madaling lapitan at masarap kausap. At hanga ako sa kanya bilang actor dahil napaka-professional. Tuwing take namin, in character agad siya.”

Dahil sa patok na kuwento at hit na love triangle nina Alex, Joseph, at Yen ay patuloy ang pagrereyna ng serye sa time slot nito. Sa katunayan, base sa datos mula sa Kantar Media noong Hulyo 30, pang-apat ang tinaguriang primetime’s newest sensation sa listahan ng most-watched TV shows sa buong bansa taglay ang national TV rating na 20.4%, o lampas doble ng nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na My BFF (8.5%).

Kasama nina Alex, Joseph, at Yen sa Pure Love sina Arjo Atayde, Arron Villaflor, Matt Evans, Yam Concepcion, at ipinakikilala si Anna Luna. Bahagi rin ng cast sina Sunshine Cruz, John Arcilla, Ana Capri, Bart Guingona, Dante Ponce at Shey Bustamante mula sa direksyon ni Veronica Velasco.

Pahabol: Ngayong araw lalabas ang karakter ni Sylvia Sanchez sa Pure Love bilang ina ni Arjo. Text nga ni Ibyang sa amin, “Pls pakipromote ang Pure Love na panoorin nila bukas (ngayon), unang labas ko as Arjo’s mom.

Drama kami dito mag-ina. Unang pagsasama namin ito!” Siyanga pala, bukod sa Pure Love, nakasama rin sa listahan ng top 15 most-watched shows nitong buwan Hulyo ang iba pang ABS-CBN shows partikular ng Dreamscape Entertainmment tulad ng Dyesebel nina Anne Curtis, Sam Milby at Gerald Anderson, Ikaw Lamang nina Coco Martin, Kim Chiu, Jake Cuenca at Julia  Montes, Mirabella nina Julia Barretto at Enrique Gil, Wansapanataym at Sana Bukas Pa Ang Kahapon nina Bea Alonzo, Paulo Avelino, Maricar Reyes, at marami pang iba.

( Photo credit to EAS )

Read more...