Cedric, Deniece ililipat sa city jail

IPINAG-UTOS ng  Taguig Regional Trial Court ang paglilipat sa negosyanteng si Cedric Lee at modelong si Deniece Corneje sa mga ordinaryong kulungan.

Ibinasura ni Taguig RTC branch 271 Presiding Judge Paz Esperanza Cortes ang mosyon nina Lee at Cornejo na ipatigil ang pagdadala sa kanila sa regular na piitan.

Nakakulong si Lee sa National Bureau of Investigation (NBI) kasama ang isa pang akusado na si  Simeon Palma Raz Jr., samantalang nasa kustodiya naman si Cornejo ng  Criminal Investigation and Detection Group  (CIDG) sa Camp Crame.

Nahaharap sila sa kasong serious illegal detention na inihain ng komedyanteng si Vhong Navarro.

Read more...