Fifth Pagotan pinaglaruan, ginamit lang ng PBB


Nabalewala at parang nagamit lang si Fifth Pagotan nang ma-evict siya sa Bahay ni Kuya. Si Fifth ang nagpa-excite, bukod kay Jane Oineza, ha, sa latest edition ng reality show ng Dos.

His pag-amin na bisexual siya was the show’s biggest attraction, na-curious ang mga tao sa kanya kaya sinubaybayan nila ang show. Actually, nag-trending topic si Fifth sa kanyang pag-amin, talagang pinag-usapan siya at ang feeling namin ay naging relevant ang show dahil sa kanya.

It was his admission that he is a bisexual na siyang nagbigay ng interest para subaybayan ang scripted na show na ito.
But all his efforts na magpakatotoo went to naught. Na-evict pa rin siya. It was a wasted effort.

Marami nga ang na-disappoint na siya ang na-evict sa Bahay ni Kuya. Ang tingin kasi nila, deserving si Fifth na maging number one sa PBB house.

Malaki siguro ang panghihinayang ni Fifth na siya ang na-evict. Kasi naman, nagpakatotoo na siya, nawalan pa siya ng chance for the grand coronation night ng PBB.

Well, ‘yan ang problema sa text vote based reality show. Kahit na hindi deserving, basta natalo ka sa dami ng text votes ng kalaban ay wala kang kalaban-laban. Kailangang ang supporters mo ay may datung para maipanalo ka.

That said, hindi kami bilib sa mga reality shows na negosyo ang operational word. The text votes has become the guarantee ng panalo ng isang contestant.

Para rin ‘yang pakontes sa mga schools na money-base. Kung sino ang may pinakamaraming datung ang siyang tiyak na mananalo. How sad!

( Photo credit to fifth pagotan official fanpage )

Read more...