Gov’t employee naka-jackpot ng halos P9.1M sa lotto

ISANG empleyado ng gobyerno ang isa sa dalawang nanalo ng P18.3 milyong jackpot prize ng Mega Lotto 6/45.
Kinuha na ng nanalo ang kanyang premyo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang hindi pinangalanang nanalo ay 54-taong gulang, may-asawa at tatlong anak. Nagkakahalaga ng P40 ang itinaya ng nanalo sa bola noong Hulyo 28.
Dalawa silang nakakuha sa mga lumabas na numerong 18-42-33-23-13-26. Ang isa pang nanalo ay isang babaeng occupational therapist na taga-Quezon City.
Titipirin umano ng nanalo ang kanyang P9.1 milyong premyo upang mayroon na siyang pang retiro at matitiyak na magiging maayos ang kinabukasan ng kanyang mga anak.

Read more...