TV host-comedian naospital, napagtripan daw sa fastfood store


Nasa panganib ba ang buhay ng TV host-comedian na si Archie Alemania? Usap-usapan kasi sa social media ang ipinost niyang mensahe sa Instagram kamakailan kung saan may naka-attach ditong larawan kasama ang isang news correspondent ng ABS-CBN.

Ayon sa nakarating sa aming balita, naospital diumano ang aktor matapos masangkot sa gulo na naganap sa isang fastfood store madaling araw nitong Sabado.

Napagtripan daw si Archie ng isang grupo at nagtamo ng ilang sugat kaya agad siyang isinugod sa ospital. Sa kanyang Instagram account noong Aug. 1, makikita ang litrato kung saan kasama niya ang reporter ng Dos na si George Cariño.

Nilagyan pa niya ng caption ang nasabing post ng, “Interview with George Cariño of ABS-CBN NEWS just incase something leaked out or something bad happens to me.

I know the perpetraitor their operation and their accomplices #insurancelang #themanontheelevetor #dontwant trouble.”
Siyempre, marami ang na-curious dito, ano nga kaya ang nangyari kay Archie?

Meron ba siyang nakaengkwentro? Meron ba siyang inagrabyado kaya gumanti lang sa kanya? Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang iniisyung pahayag ang komedyante kaya hintayin na lang natin kung kailan magsasalita si Archie tungkol dito.

Read more...