Kapamilya singer umamin na sa kumakalat na Video Scandal


Hindi pala itinanggi ni Young JV ang tungkol sa kumakalat niyang sex video ngayon. Kuwento ng taong nakatsikahan naming malapit sa singer-actor, “Nagulat siya nu’ng lumabas, tapos parang okay na rin kasi hindi gaanong pinag-usapan, walang pumik-ap.

“Tapos after nu’ng lumabas ‘yung kay Paolo (Bediones), heto, naungkat nga ‘yun kay Young JV, e, sabi niya three years ago pa nangyari, hindi naman niya idininay.”

Say namin kung bakit ngayon lang lumabas dahil ba uso ang sex video kaya nakikiuso rin para pag-usapan si Young JV? “Ha-hahaha! grabe naman to?” sabi sa amin.

“Actually, hindi nga alam ni Young JV na lalabas kasi wala naman sa kanya ‘yung video.  Nangyari ‘yun sa webcam with his girlfriend, so wala siyang kasama sa kuwarto.

“Hindi niya (Young JV) alam na kinunan siya tapos late na nang malaman at nasa girl nga ‘yung video.  So, wala lang sa kanya kasi alam niya wala naman saka babae ang may hawak, malay ba niyang ilalabas,” kuwento sa amin ng taong nakakatsika ng singer-actor.

Nagtanong kami sa Star Magic kung may official statement sila tungkol kay Young JV pero dedma ang taong tinanungan namin.

Read more...