Bumababang grado | Bandera

Bumababang grado

Joseph Greenfield - August 04, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Detdet ng Barangay Baybay San Roque, Ozamiz  City
Dear Sir Greenfield,
Nawawalan na ako ng ganang mag-aral.  Hindi naman ako bobo pero pababa nang pababa ang aking mga grado sa kursong kinukuha ko.  Simpleng kurso lang ito, tourism and environment administration.  Bagaman may bumabagabag na problema sa buhay ko, nakakayanan ko pa naman ang pag-aaral.  Nagtataka ako dahil nitong huling semestre, bumaba ang mga grado ko. Sa susunod na pasukan ay balak ko nang lumipat ng kurso.  Pero, parang mas mahirap na ang kursong lilipatan ko at natatakot ako na mas lalong bumaba ang grado ko. Payuhan ninyo ako. Naglalaro sa isip ko ang mag-abroad.   Susuwertehin kaya ako sa abroad?  Ang birthday ko ay Mayo 27, 1996.
Umaasa,
Detdet ng Barangay Baybay San Roque, Ozamiz  City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Tuwid ang Fate Line sa Career mo (Illustration 1-1 arrow 1., 2-2 arrow 2.).  Maganda ito dahil ang ibig sabihin nito ay anumang krisis o mga pagsubok ang dumating sa buhay mo na may kinalaman sa career at edukasyon, siguradong malulusutan mo basta magkapatatag ka.  Makapagtatapos ka, pero hindi nga madali ang pag-aaral!
Cartomancy:
Six of Hearts, Queen of Clubs at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng lalaking magiging boyfriend mo, magkakaroon ka ng inspirasyong mag-aral na mabuti. Magiging positibo naman ang resulta, dahil bukod sa love life na masaya, tulad ng nasabi na makakatapos ka ng pag-aaral at pagkatapos habambuhay na uunlad ang career mo at magiging maligaya.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending