Cristine Reyes yumaman sa pagpapakita ng boobs; may ipamamana kina Lovi at Ellen


Kaya naman pala hindi ganu’n ka-excited itong si Heart Evangelista sa pagpo-promote ng pelikulang “Trophy Wife” with Cristine Reyes, Derek Ramsey at John Estrada ay dahil nga sa maliit lang ang role nito sa movie at hindi talaga siya bida.

Hindi rin umano talaga nasabayan ni Heart si Cristine sa paseksihan na teritoryo nga ng kapatid ni Ara Mina kaya hayun, nagkasya na lang daw ito sa pagsusuot ng mga bonggang damit at alahas bilang pangontra sa umaapaw na sex appeal ni Cristine sa movie.

Sex-drama-thriller daw ang peg ng movie na may kakaibang twist, pero talagang ang mga sexy scenes at love scenes daw ang bebenta rito nang husto ayon pa sa mga katotong nakapanood na ng movie.

Uy, hindi ba’t inanunsyo na nga ni Cristine na last sexy movie na niya ang “Trophy Wife”. May emote pa nga itong ibibigay na niya ang korona ng kaseksihan sa iba tulad nina Lovi Poe at Ellen Adarna dahil aniya, na-enjoy at pinagkakitaan na niya ito? May ganu’n?

( bandera.ph file photo )

Read more...