PIMPLES talagang nakakainis, at nakakahiya.
Lahat ng tao ay dumaan at dadaan sa ganitong karanasan, walang pinipiling edad, kasarian at katayuan sa buhay.
Ang pimples ay sakit sa balat ngunit ang mga sanhi nito ay mas malalim pa sa nakikita. Kaya pag-usapan natin ang mga sanhi na nagdadala ng taghiyawat.
Ang balat ng tao ay karaniwang napapalitan kada buwan. Ito ang pinakamalaking “organ” sa katawan. Kailangan malusog ito dahil ito’y panangga sa pagpasok ng mga mikrobyo, depensa ng katawan sa epekto ng “external environment”, at kasama ito sa “immune system” natin.
Ginagamit ito sa “sensation” o pakiramdamdam (pressure, touch, temperature, vibration and injury-pain). Nagko-kontrol nito ng paglabas ng tubig sa katawan pati na rin ang pag-ipon ng tubig at oily fluids sa mismong balat at sa loob ng katawan.
Pwede rin pumasok sa balat ang mga “gases” gaya ng oxygen, nitrogen at carbon dioxide. Kaya mahalaga na malusog ang balat at buo ang integridad nito para manatili ang “functionality” nito.
Merong “skin appendages” na gaya ng “Sebaceous glands” sa puno ng mga “hair follicles” na gumagawa ng “oils” para ang balat ay maging malambot.
Ang “pimple” ay sakit sa balat na nag-uumpisa sa pagbabara ng “oil glands” nito. Kung minsan ang tawag natin dito ay “Blackheads” o “Whiteheads”. Ang mga nakakabara ay ang “dead skin cells”, sebo, at pati buhok na nag-pipigil sa paglabas ng sebo galing sa “sebaceous glands”. Kapag pinasok ito ng mikrobyo, nagiging impeksyon ito at lalong lumalala ang pag-bara habang palala din ang pamamaga.
Minsan ang pimple ay may nana. Posibleng lumala ang impeksyon na nagdudulot ng malalim na peklat kapag ito ay gumaling.
May kinalaman ang pagkain na mataas sa fats at carbohydrates sa pagdami ng pimples. Kaya importante ang pagiging malinis. Factor din ang stress na nagdudulot ng pimple.
Paano iiwasan ang pimple? Panatilihihing malinis ang balat, umiwas sa “fatty and oily foods”, patulog ng sapat, pag-inom ng maraming tubig, pag-ehersisyo, pag-iwas sa “stress” at pagpapatawad.
Kung may pimple, linisin ang balat ng 5% BENZOYL PEROXIDE wash umaga at hapon, pagkatapos ay punasan ng 5% Benzoyl Peroxide Cream. Sa gabi, maglagay ng SULFUR CREAM sa mismong tagihawat. Madalas kinakailangan na gumamit ng antibiotics para sa impeksyon. Minsan naman ay gagamit din ng cortisone injections. Nandyan parati ang Retinoids para tumulong. Marami pang pwedeng gamitin na gamot nguni’t depende na sa kung gaano kalala ang pimple, ang dermatologist ang mas nakakaalam tungkol dito.