MAY mga bahagi ng Sona (State of the Nation Address) ng Pangulong Noynoy noong Lunes na parang nakikita niya ang posibleng mangyari sa kanya sa hinaharap.
Nakapaninindig ba-lahibo ang SONA lalo na’t di sinunod ng pa-ngulo ang inihandang talumpati at bagkus ay nag-ad lib siya.
Ang kanyang pag-ad lib ay nangyari noong magtatapos na ang kanyang talumpati.
Ang mga sumusunod ay mga sinabi ng pangulo na wala sa kanyang hinandang Sona:
“Hindi natin maiiwasan mag-isip sa mga binubunggo natin, may araw kayang ‘pag sasampa ka sa entablado, may trabaho ring araw-may magtatagumpay bang maglagay ng bomba?
“Magtatagumpay ba yung maitim na balak ng atin pong mga katunggaling gusto tayong ibalik sa maling kalakaran? At kung dumating nga ang panahon pong yun, at natapos na ang pangalawang buhay, masasabi ko ho bang okay na rin? At sasabihin ko sa inyo, mata sa mata, sa lahat po ng inabot natin, ako po’y masasabing kontento na ako.
“Kontento na po ako dahil panatag ang kalooban ko, na kung ako po’y mawala na dito, marami pong magpapatuloy ng ating tinahak na. Baka iyong lang po ang papel ko-umpisahan ito.”
“Gabi-gabi po, bago ako matulog, thank you at nakalampas pa ako ng isang araw. Kung sabi nga noong mga bata kami, ‘finished or unfinished, pass your paper,’ eh dumating na sa akin, palagay ko naman, naramdaman na ninyo kung anong pagbabagong karapatan ng bawa’t Pilipinong manyari. At bahala kayong ituloy ito.”
Parang namamaalam na ang pangulo sa kanyang mga sinabi.
Meron bang ibig sabihin si P-Noynoy sa kanyang mga “boss” pero hindi niya masabi ng deretsahan?
Siya ba’y may malubhang sakit?
Maraming beses sa kanyang SONA na tumigil siya dahil sa matinding pag-ubo.
Nanganganib ba ang kanyang buhay?
Bakit sinabi niyang, “Magtatagumpay ba yung maiitim na balak ng atin pong mga katunggaling gusto ta-yong ibalik sa maling kalakaran?”
Habang nagtatalumpati ang Pangulo, maaaring nagkaroon siya ng premonition o may nakita siyang di kanais-nais na mangyayari sa kanya sa hinaharap.
Maraming taong pumanaw na nahulaan ang kanilang pagpanaw ilang araw o buwan bago pa man dumating ang di kanais-nais na pangyayari.
Ang tatay ni Pangulong Noynoy na si Sen. Benigno Aquino ay nahulaan ang kanyang pagkamatay nang kanyang sinabi, “The Filipino is worth dying for.”
Ilang araw bago pumanaw ang isa kong kaibigan, tumawag siya sa akin at sinabi niya na tingnan-tingnan ko ang kanyang pamilya kung siya’y mawala na.
Tinanong ko siya kung bakit niya sinabi ang ganoon, gayong siya’y malusog naman.
“May sakit ka ba?” ang aking tanong sa kanya.
“Wala naman, pare,” sagot ng aking kaibigan.
Ang kaibigan ko ay pinatay ng mga holdupper ilang araw matapos niya akong makausap.
May kasabihan ang mga matatanda na ang mga taong papanaw na ang nagpapaalam sa kanilang mga kaibigan o kamag-anak kahit hindi nila alam ang pinag-sasabi nila.
Bakit nga ba naiyak si P-Noynoy sa kanyang talumpati?
Bakit naiyak si Kris Aquino at maging mga kapatid niya habang siya’y nagtatalumpati?
May alam ba sila na dapat malaman ng taumbayan?