Sarah naghahanda na para sa pamilya nila ni Matteo


Sa nasabi pa ring event, super sexy at super ganda naman talaga ng nahirang na number one Most Beautiful sa YES list, walang iba kundi ang Pop Princess na si Sarah Geronimo, who of course was accorded with great respect and adulation when she entered the venue.

Ang laki talaga ng iginanda ngayon ni Sarah at kitang-kita sa aura niya ang “inner beauty” dahil na rin sa love at peace of mind. Napaka-positive ngayon ng lahat para sa ating idolo at sana nga ay magtuloy-tuloy na ito with her boyfriend Matteo Guidicelli na napabilang din sa listahan ng YES 100 Most Beautiful.

Muling natanong ang singer-actress tungkol sa relasyon nila ni Matteo, feeling ba niya tama ang desisyon niya na mag-boyfriend na? “Talagang nauunawaan ko na kailangan na, kasi I’m 26 years old, patanda na ako nang patanda.

“Kailangan matuto na akong magdesisyon para sa sarili ko. Para sa sarili ko rin. Kung halimbawang ako na lang ang maiwan mag-isa, ano ang gagawin ko, ano ang desisyon ko? Kailangan alam ko ‘yan,” paliwanag pa ng Popstar.

Dugtong pa niya, “Kung gusto kong magkaroon ng pamilya, kailangan alam ko ang mga bagay na ‘yan. Pero sa ngayon, wala pa po ako roon. Papunta pa lang po ako.”

Ang iba pang nasa listahan na nakita namin sa presson ay sina Gary Valenciano, ang mag-asawang Jericho at Kim Rosales, Roco Nacino, Julie Anne San Jose, Alden Richards, Ritz Azul, Ryzza Mae Dizon, Iza Calzado, Aaron Villaflor, Janine Gutierrez, Tom Rodriguez at marami pang iba.

Congratulations YES dahil tunay namang deserving ang inyong choices this year! Palpak lang talaga sa kinuha n’yong host. Ha-hahaha!

Read more...