Kris, Boy ipinagtanggol ang ‘hot air balloon’ gown ni Binay


Ipinagtanggol nina Boy Abunda at Kris Aquino si Sen. Nancy Binay sa mga nanlait sa kanyang gown noong SONA ni Pangulong Noynoy Aquino.

Noong isang gabi sa Aquino & Abunda Tonight, sinabi ng dalawang host na huwag itong magpaapekto sa mga bashers.
“Voluminous ‘yung damit (niya).

You know, ako naman I said na kapag nako-compare ka, si Kim Kardashian pinagdaanan iyan eh. Ito naman ngayon, na-compare naman sa hot air balloon.

The very fact na pinag-aksayahan ka ng panahon at pinag-usapan ka, walang masamang tinapay,” chika ni Kris. Sey naman ni Boy, “Ako naman, wala akong puhunang iba pagdating sa damit kundi lakas ng loob. In my career, sa Buzz, kapag binabalikan ko ang mga kasuotan ko, tawa ako ng tawa.

Sabi ko saang planeta ba ako galing? It takes a lot of character.”  “Kung wala kang ibang puhunan kundi lakas ng loob, minsan hindi ka na komportable na diktahan.

‘Hindi pwede ito dahil hindi ka matangkad, dahil hindi ka payat.’ Minsan iniisip mo, bakit hindi pwede? Sino ba ang artiber? Saang batas ba talaga ang nagsasabing hindi pwede? I can really relate to that,” dagdag pa ng TV host.

( bandera.ph file photo )

Read more...