Luis inayawan ang pelikula ni Ate Vi, ipinalit si Echo


Noong huling gabi ng lamay ni Ate Aida Fandialan, ang personal assistant ni Gov. Vilma Santos for almost 50 years, ay masarap naming nakatsikahan ang aming idol-friend.

Dito nga niya naikuwento ang bagong pelikulang gagawin niya sa Star Cinema with Angel Locsin at Jericho Rosales.  Dapat sana ay ang anak niyang si Luis Manzano ang makakasama niya rito pero balitang inayawan ito ng aming ampon.

“Mayamang-mayaman ang role ko na may sakit at caregiver ko si Angel. May mga isyu ako sa anak ko (Jericho) at hindi kami nagkakasundo. Si Angel naman may mga problema sa pamilya niya

Doon iikot ang kuwento,” pahayag ni Ate Vi. Bukod dito, meron din daw inaalok ang APT Entertainment ni Tony Tuviera kung saan makakasama niya si Ryzza Mae Dizon. Schedule na lang daw ang aayusin para sa dalawang proyekto.

( bandera.ph file photo )

Read more...