Cristine goodbye na sa hubaran: Nakakahiya na kasi sa simbahan!


So, gusto nang kalimutan ni Cristine Reyes ang pagiging sexy star sa ngalan ng kanyang pananampalataya. Ayaw nang maghubad ng Kapamilya actress sa kanyang mga susunod na proyekto dahil nais na niyang magbagong-buhay.

Tuloy din ang pakikipag-date ni Cristine sa isang half-Pinoy, half-Persian martial arts trainer at umaasa raw siya na sana’y ito na ang lalaking inilaan ng tadhana para sa kanya.

Sabi ni Cristine nu’ng huli namin siyang ma-interview, baka raw ang “Trophy Wife” na ang huling sexy film na gagawin niya, kung saan kasama rin niya sina Derek Ramsay, John Estrada at Heart Evangelista, showing na ngayong Miyerkules.

Sa isa namang interview, sinabi ni Cristine na gusto na niyang tumigil sa pagbibilad ng katawan dahil regular na siyang nagsisimba ngayon at nais niyang maging mabuting example sa kanyang mga kasamahan sa church.

“Maybe because I’m serious about thinking about my future and I’m going to be honest, every Sunday, I go to church…I want to follow how to be a good Christian.

“It’s not good that I’m here doing this movie and then I go to church. Parang hindi siya nagko-connect. I’m not saying that what I do is bad. I’m saying that I’m done with it na.

“I’ve done a lot of teleseryes. I’ve done a lot of movies and also sa covers ng magazines. I think that’s enough,” paliwanag ng aktres. Dugtong pa niya, “Baka sabihin ng mga tao, ‘What are you doing here?

E, you’re doing that (paghuhubad.’ Parang hindi siya nagko-connect. If you wanna follow God and be a good Christian, you should really do it in real life too. It’s a really personal decision.”

( Photo credit to cristine reyes official fanpage )

Read more...