Si Erap at media, gusto mo bang sumali?

KUNG ikaw’y mamamahayag, puwede kang sumali sa aming araw-araw na maikling talakayan, pero maiksi, at punto agad.  Kung di naman, puwede kang kumibo bilang dabarkads (at araw-araw ay nadaragdagan ang ating mga kaibigan).  Ang unang mga mamamahayag na nakasalamuha ni Erap ay ang taga-showbiz.  Ang kolumnistang si Ka Banong (Romano Cruz, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa) ay “paborito” ni Erap.  Hindi bading si Nongba (Banong).  Machong-macho, pero showbiz writer.  Maraming showbiz writer noon na tunay na lalaki at di bading.  Muntik nang tirisin si Banong ni Erap nang magkita ang dalawa na kapwa nakainom na sa isang pagtitipon.  Nilapitan ni Erap si Banong at inawat siya ng nasa paligid.  Ang sabi ni Erap: “You little boy, ha!”  Anong nangyari sa Manila Times, na noon ay nabili ng pamilya Gokongwei sa kamamatay na si Don Ramon Roces y Pardo?  Ang nangyari sa Philippine Daily Inquirer dahil sa ad boycott na hiningi ni Erap sa mga kaalyado?  At ngayon, ang Inquirer muli, sa demandang libelo?  Kung puwede lang bugbugin ang dyaryo ng mga macho.

Read more...