16 patay sa Abu Sayyaf

PATAY ang 16 na katao, samantalang 11 iba pa ang sugatan matapos ang pananambang ng bandidong Abu Sayyaf sa Talipao, Sulu kahapon ng umaga, ayon sa isang opisyal  ng militar.
Sinabi ni Lt. Col. Arnel Ulay, civil military operations chief ng 2nd Marine Brigade na kabilang sa mga biktima ay mga pamilya ng  Barangay Peacekeeping Action Teams.

Idinagdag ni Ulay na mga miyembro ng  Abu Sayyaf na nasa pamumuno ni  Idang Susukan ang nasa likod ng pag-atake.John Roson

Read more...