KAYA bang pataubin ni Sarah Geronimo ang programang ASAP 2012?
Kaya namin ito naitanong ay dahil pabirong sinabi sa amin ng executive producer ng bagong programang Sarah G Live ng ABS-CBN na si Marvi Gelito na, “Mas maganda ang Sarah G kaysa sa ASAP, abangan mo!”
Nakasabay kasi namin sa elevator si Marvi kasama ang staff niyang may hawak ng sample ng magiging stage ng show ni Sarah at kinumusta namin kung ano ang pagkakaiba ng ASAP sa show ng singer-actress dahil parang iisa naman ang format, at walang kaabug-abog nga nitong sinabi na mas maganda ito.
Pero biglang bawi ni Marvi, “Joke lang ‘yun, ha! Pero totoo naman, ako rin naman ang nag-umpisa sa ASAP.”
Kaya malaking hamon ito sa executive producer ngayon ng ASAP na si Apples Salas.
Abangan na lang natin kung mas maganda nga ang Sarah G. Ano naman kaya ang mase-say ni Joyce Liquicia rito?
Samantala, V-Day ang tema ng ASAP 2012 ngayong with the performances of Sarah, Angeline Quinto, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Vina Morales, Christian Bautista, Jericho Rosales, KC Concepcion, Nikki Gil, Yeng Constantino, Jovit Baldivino, Bryan Termulo, ASAP Sessionistas, Bamboo and Arnel Pineda.
Kikiligin naman ang mga kababaihan kina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Gerald Anderson, Billy Crawford, Luis Manzano at Piolo Pascual sa kanilang special number.
May promo rin ang pelikulang “Unofficially Yours” nina John Lloyd at Angel Locsin at Pinay master chef na si Judy Ann Santos kasama ang mga finalists ng Junior Master Chef para sa nalalapit nitong pagtatapos.
Hindi naman mawawala ang sayawan sa pangunguna ng ASAP Supahdancers na sina Maja Salvador, John Prats, Rayver Cruz, Iya Villiania, Bugoy Carino, Xyriel Manabat, Erich Gonzales, Enchong Dee, Enrique Gil, Sam Concepcion, Empress, Shaina Magdayao at Kim Chiu.