Sunshine kay Cesar: Kailangan din ng tatay ng mga anak namin!


Nanawagan na si Sunshine Cruz sa dating asawang si Cesar Montano – sana naman daw ay mabigyan ng sapat na panahon ng aktor ang kanilang mga anak lalo na ngayong nagdadalaga na ang mga ito.

Ayon kay Sunshine, “Zero communication kami talag. Ang akin lang naman, ‘eto ang sasabihin ko tungkol sa lahat na ito. Ang akin, kulang na kulang na nga when it comes to support sa mga kids.

“I just hope na yung time, magbigay naman siya ng enough time to be with my kids kasi kailangan din naman nila ng tatay,” chika ng aktres.

Nang tanungin naman si Sunshine kung wala bang effort si Buboy na ligawan siya uli at muling magsama as a couple, ito ang kanyang sagot, “Ay, naku huwag na, hindi na, huwag na.

Wala na, nag-file na ako ng annulment, e. Talagang merong mga bagay na kailangan isara na natin para makapag-move on,” aniya.

Sey pa ni Shine, “Anytime, every day puwede niyang dalawin ang mga bata. Hindi naman yung once a month o twice a month.”

( bandera.ph file photo )

Read more...