ISA kami sa humahanga kay Ms. Laurice Guillen bilang artista at direktor kaya nang malaman naming siya ang nagdirek ng “Once A Princess” ay talagang napa-wow kami kasi ang tagal-tagal na niyang hindi gumagawa ng pelikula.
Kaya naman sa ginanap na presscon ng movie na pinagbibidahan nina Enchong Dee, JC de Vera at Erich Gonzales ay kaagad na tinanong ang batikang direktor kung bakit ang tagal niyang hindi gumawa ng pelikula, “E, wala namang nago-offer,” kaswal na sagot nito.
Napakunot-noo kami dahil ibig sabihin, hindi man lang kinokonsidera ng mga producers ang tulad niya? May paliwanag si Ms. Laurice rito, “Bihira akong gumawa ng pelikula, for the past years, eversince I came back, anim na taon akong hindi gumawa, nag-Star Cinema ako and of all the films I did, since then, dalawa ang hindi rito (Star Cinema), hindi ‘yan strange na matagal akong hindi gumagawa talagang somehow, ang lakad ng career ko (hindi consistent), siguro mabuting tanungin natin sila (Star Cinema executive).”
Ang Skylight Films head na si Enrico Santos ang sumagot sa tanong, “Nakatrabaho ko na si direk Laurice sa Tanging Yaman, Sa ‘Yo Lamang, kami po ‘yung EP (Star Cinema), pero ngayon lang kami nagkalakas loob sa Skylight na okay, we’re going on our 3rd year baka naman pansinin na kami ni direk (Laurice), and it’s so happens, pinansin kami.
“Nagulat ako dahil, well after all naman, direk naman ay madalas nating mapanood sa serye rin and we know that she’s been in mainstream and in the indies also, so,I believe na ito naman ay lucky and good happy break para sa kanya na hindi siya nagmi-maintstream.”
“Although, very well known na nakasabay natin ang Cinemalaya (Film Festival), so, it’s a Laurice Guillen Festival at the CCP Main Theater this first week of August,” pahayag ni Enrico.
Si direk Laurice kasi ang namumuno ngayon sa Cinemalaya na magsisimula sa Agosto 2 hanggang 10 at nagkataon naman na ang opening ng “Once A Princess” ay sa Agosto 6.
Samantala, nabanggit ni direk Laurice na ngayon lang siya gumawa ng pelikula na ang kuwento ay galing sa libro” “I think it’s the first time na gumawa ako (pelikula) from a book, but I have done before from radio serial and komiks, e, wala ng komiks ngayon.”
At dahil Once A Princess ang titulo ng pelikula ni direk Laurice ay naniniwala ba siya sa kasabihan daw na “Once A Princess is always a princess” at may trumato na ba sa kanya ng ganito?
“Once A Princess? Siguro nu’ng bata pa ako, kasi as you are growing up, you realize na hindi perfect lahat, hindi lahat ng maganda sa ‘yo ay nakikita. O baka hindi maganda sa kanya, ‘yung ganu’n.
Did I feel treated like a Princess? Siguro nu’ng bata pa ako at saka kay Johnny (Delgado-asawa),” pahayag ng direktor.
Samantala, kahit anong pilit ang gawin ng press sa leading man ni Erich sa movie na si Enchong, tigas pa rin ito sa pag-iwas tungkol sa kanyang bagong girlfriend.
Gusto raw niya kasi itong protektahan dahil hindi naman talaga ito taga-showbiz. Pero marami ang nagsasabi na hindi maiiwasan ng aktor na pag-usapan ang kanyang lovelife.
Ayon sa mga bali-balita, isang model ang GF ngayon ng aktor, may nabasa kami na baka ang model na pinangalanang Sam Lewis ang tinutukoy ng binata, pero ayaw niya itong kumpirmahin, “Simula noong na nalaman ng tao, may mga nagtu-tweet sa kanya, may mga gumagawa ng account to bash her, which I feel bad about. Hindi siya sanay sa ganito, eh.”
“As much as possible, I protect her from all this. Ibalato n’yo na lang sa akin,” pakiusap pa ni Enchong.
( bandera.ph file photo )