Albolaryo o si mister?

Sulat mula kay Diding, ng Panitan, Capiz
Dear Sir Greenfield,
Nakulam daw ang anak ko, ang sabi ng albolaryo.  Palaging masakit ang tiyan ng anak ko at nakatatatlong doktor na kami.  Nawawala panandalian ang sakit ng tiyan ng anak ko, pero bumabalik naman.  Nang ipilit ko na subukan namin ang albolaryo ay pumayag na ang mister ko.  Pero, nagalit ang mister ko nang malaman niya na may hinihingi ang albolaryo.  Una kasi, sinabi ng albolaryo na huwag ko raw dalhin ang asawa ko sa gamutan.  Nagtatalo kami hinggil sa hinihingi ng albolaryo.  Sino ba ang susundin ko?  Napano ba ang anak ko?
Umaasa,
Diding, ng Panitan, Capiz
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayon sa ipinadala mong photo copy ng palad ng anak mo, maganda at malinaw naman ang kanyang Life Line (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin anuman ang sakit ng anak mo ngayon bale wala yan.  Darating ang panahon kusa ring gagaling kahit hindi mo ipagamot.  Maaari kasing “kabag lang o bulate” ang nagpapasakit sa tiyan ng anak mo.
Cartomancy:
“Huwag mo nang patingnan kung kani-kaninong albularyo ang iyong anak dahil maaaring iyan pa ang kanyang ikapahamak” – ang nais sabihin ng King of Spades, at Six of Spades, habang ang Four of Hearts ay nagsasabing, tapalan mo na lang ng dahong pito-pito na pinahiran ng langis ng niyog na ginawa noong Biyernes Santo ang tiyan ang anak mo, makikita mo kapag nagawa mo iyon kusang bubuti ang kanyang kalagayan – mawawala na ang pananakit ng kanyang likod at tiyan. Itutuloy

Read more...