Vice, Jhong bawal maging magdyowa


Speaking of Vice Ganda, napanood namin ang episode ng It’s Showtime kung saan inilabas niya ang “inggit” sa relasyong Billy Crawford at Coleen Garcia.

Paano kasi tinutukso-tukso ulit siya sa co-host niya sa show na si Jhong Hilario na ang gwapo raw that day. Very open naman si Vice at lagi niyang sinasabi on air ang paghanga niya kay Jhong.

Pero kasi nga, naunahan sila na sabihan ng kanilang director na si Bobet Vidanes na bawal ang relasyon sa hosts ng show at ituring ang isa’t isa bilang magkakapatid.

Dahil doon, pinigil ni Vice ang damdamin kay Jhong. Kaya naging running joke na lang sila sa show. But one time, may portion na pa-sad na nagsalita si Vice ng ganito, “E, bakit sila (Billy-Coleen) pwede? Kami ni Jhong, hindi?”

Doon pa lang knows na natin na magsyota na talaga sina Billy at Coleen bago pa man ang admission ng dalawa. Hmmmmm, ngayong na-break na ang rule ni Direk Bobet for his hosts, pagbigyan na kaya niya si Vice na makipagrelasyon kay Jhong? E, gusto naman kaya ni Jhong si Vice? Patulan ba? Ha-hahaha!

( Photo credit to EAS )

Read more...