MASARAP palang kausap ang utol ni Daniel Padilla na si RJ Padilla na napapanood tuwing hapon sa Afternoon Prime ng GMA na Dading kasama sina Gabby Eigenmann, Glaiza de Castro at Benjamin Alves.
Nakachika namin si RJ sa nakaraang Sublian Festival sa Batangas at doon nga namin nalaman na bata pa lang siya ay gustung-gusto na rin niyang mag-artista.
Alam n’yo ba na talagang dumaan din sa butas ng karayom ang Kapuso actor bago siya nakapasok sa mundo ng showbiz?! Sey ni RJ, nagsumikap talaga siya dahil ayaw niyang gamitin ang impluwensiya ng mga Padilla.
In fairness, unti-unti nang napapansin ang binata ngayon, lalo na nang mapasama siya sa bekiseryeng Dading kung saan gumaganap siyang lover ni Gabby. Mataas ang rating ng serye kaya tuwang-tuwa ang buong production ng show.
“Siyempre, sobrang happy kami sa ganda ng rating ng Dading, tsaka, talagang marami ang nagko-congratulate sa akin, sa aming lahat ng cast dahil ang ganda raw ng kuwento, maraming nakaka-relate sa mga karakter namin.
So, sana patuloy nilang suportahan. “Ang daming nagagalit du’n sa karakter ko as Gabby’s lover. Kahit nga si Mommy Eva (lola ni RJ, nanay ng tatay niyang si Rommel Padilla), nagagalit sa akin.
Ha-hahaha! Pero okay lang yun, kasi yun naman talaga ang target ko, yung magalit sila sa akin. Kasi yun yung trip ng karakter ko, e, salbahe talaga. Happy ako na nakuha ko yung gusto kong feedback,” paliwanag ng aktor.
Pero wala pa namang namemersonal sa iyo dahil sa sobrang galit bilang lover ni Gabby? “Wala naman, ang sinasabi lang nila, yung nababasa ko, sana raw ako yung mabugbog, makulong ako, sana pahirapan ako sa kulungan.
Nakakatuwa lang. Tsaka sinasagot ko naman sila in a nice way. Sinasabi ko, tama kayo sa comment n’yo dapat maparusahan yung karakter ko, dahil sobrang sama niya talaga.”
Kabaklaan ang tema ng Dading, ikaw ba malapit ka sa mga beki? “Wala akong problema sa mga gay. Para sa akin kasi ang mga gay, di ba they look at themselves as girls, so ganu’n din ang tingin ko sa kanila, mga babae sila, so dapat irespeto natin sila.
Never akong nagalit sa bading, look at Tita BB (Gandanghari), naging gay din siya, happy ako sa ginawa niya dahil nagpakatotoo lang siya. Happy kami for her.”
Ano ang masasabi mo sa plano raw ni BB na magpa-sex change? Pabor ka ba o tulad ka rin ni tito Robin mo na parang against dito? “Sa akin, why not? Kung yun talaga ang gusto niya, di ba? Kung doon siya magiging maligaya, bakit hindi.
Basta nandito lang ako to support her.” May pagkakataon ba na nabastos ka ng ibang tao dahil sa paglaladlad ni BB? “Wala namang ganu’n.
May mga taong nagbibiro. Minsan, kapag nagba-basketball ako, yung mga tao kapag tumitira na ako ng bola, gumaganu’n sila sa akin (pumipilantik ang mga daliri), baka raw ako na ang next. Dinadaan ko na lang sa tawa.”
Ikaw ba nabastos ka na ba ng bading? “Wala. Kasi alam ko ang mga bading laugh trip lang sila, e. Masaya lang sila. Ako rin kasi yung tipo ng tao na kahit anong pag-usapan natin, okay lang.
Kung gusto n’yo ng usapang bastos, game ako diyan. Depende sa mga kasama ko. Hindi ako madaling ma-offend.”
Niligawan ka na ba ng bading? “So far wala pa.
Feeling ko kasi dahil sa dinadala ko ring pangalan (Padilla), maybe they’re scared, intimidated. Biruan nga ng mga make-up artist sa akin, baka raw bugbugin ko sila. Ha-hahaha! Pero hindi naman ako ganu’n.”
Kumusta naman ang pagtanggap sa ‘yo ng mga tao bilang artista? “So far okay naman ang pagtanggap sa akin ng mga viewers, pati sa comedy (napapanood din siya sa Bubble Gang), actually, gustung-gusto nga nila na nagbabakla-baklaan ako, e.
Maganda raw akong gay. Ha-hahaha! Pero sabi ko nga, kung sakaling magiging gay ako, nakaka-offend naman kay tita BB ‘yun, siyempre, gusto niya, nag-iisa lang siya. Ha-haha!”
Keri mo rin bang gumanap ng beki tulad ng ginagawa ni Gabby? “Kaya ko rin siguro yun, pero hanggang ganu’n lang muna. Yung sa mga indie movie, yung may kissing scene at love scene, siguro it would take time.
Ayoko naman biglain ang mga ninuno ko, baka atakihin sa puso ang tatay ko, mahirap na! Pasundot-sundot muna! Ha-hahaha!”
Samantala, walang katotohanan ang chika na inggit na inggit siya sa kapatid na si Daniel Padilla dahil sa edad na 18 ay masasabing successful na ito sa buhay – bukod sa pagiging Teen King ng ABS-CBN ay may sarili na rin itong bahay.
Sabi ni RJ, “Proud na proud ako sa kapatid ko. Kung anuman ang naabot niya ngayon, deserved niya ‘yun dahil pinaghirapan niya ‘yun. Sa pamilya namin, hindi uso ‘yung inggitan, we support each other kahit anong mangyari.
Marami pang chika ang binata tungkol kay Daniel, and that’s another story to tell. Sabi ko nga sa inyo, masarap siyang kausap, walang arte at walang yabang. Sana kapag sikat na sikat na rin siya tulad ni Daniel ay huwag siyang magbabago.
( Photo credit to EAS )