Dismayado sa operasyon, doktor kinatay ng pasyente

CEBU CITY — Binaril  at napatay ng isang 72-taong gulang na retiradong seaman ang orthopedic surgeon na nagsagawa ng operasyon sa kanyang tuhod  noong Disyembre matapos hindi pa rin siya makalakad.

Pagkatapos mapatay ang doktor na si Cris Cecil Abbu, saka naman nagkitil ang pasyenteng si Wilfredo Sabonsolin sa loob ng PT Center of the Sacred Heart Hospital sa Urgello st., Cebu City, alas 9:45 kahapon ng umaga.

Nagtamo ng tama ng bala si si  Abbu, 45 at re-sidente ng  Maria Luisa Village sa Cebu City, sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib na tumagos sa kanyang puso.  Namatay siya ilang minuto matapos ang insidente, habang siya ay nilalapatan ng lunas.

Pinaputukan naman ni Sabonsolin ang kanyang kaliwang sentido.  Dead on the spot  ang pasyente.
Sinabi ni police homicide investigator SPO4 Alex Dacua na maaaring nadismaya at nagalit si Sabonsolin sa surgeon dahil hindi pa rin siya makalakad sa kabila ng operasyon na ginawa sa kanya noong Disyembre.

Idinagdag ni Dacua na base sa kanilang imbestigasyon, athletic si Sabonsolin at dating tumatakbo kahit pa nasa edad 70 na siya.

“His running, however, took a toll on his spinal cord,” sabi ni Dacua.

Sinabi naman ng pamangkin ni Sabonsolin na tumangging pangalanan na aktibo talaga ang kanyang tiyuhin at laging tumatakbo bilang bahagi ng kanyang healthy lifestyle.

Isinailalim si Sabonsolin sa operasyon noong Disyembre. Mula noon, hindi na siya makalakad at laging naka-wheelchair.

Read more...