LISTENING to Budget Secretary Florencio Abad defend his stance and that of the Executive department he represents, it was clear that the controversial Disbursement Acceleration Program or DAP was conceived out of unilateral interpretation — of what is government savings and what are high value projects, programs and actions that needed accelerated fund allocation and release.
It should be the legislators themselves who should have reacted first to this kind of discretion because it doesn’t only imply disregard but a disturbing abandonment of the democratic principle of check and balance in government.
Ngayon, malinaw na rin ang ibig sabihin o kung paano ang pagtingin ng Ehekutibo sa prinsipyo ng good faith. Kulang na ang sabihin, si Pangulong Aquino ang Chief Economic Manager, hindi na si Gloria Arroyo ang pangulo, hindi maaaring may bad faith ang anak nina Ninoy at Cory.
Sige, sabihin na natin, tanggapin na natin na hindi matatawaran ang kalinisan ng hangarin ng pangulo at ni Abad at ng iba pang economic managers. Sige na, pagbigyan na. Kaya nga may MR ang Malakanyang dahil hindi nito matanggap na may bad faith sa paglikha ng DAP.
Ok fine, kayo na ang may good faith.
But what about the supposedly conscious knowledge that you have two other branches of government to take into consideration in matters requiring their mandated functions? Hindi ko alam kung ako lamang ang nag-isip habang nakikinig sa paliwanag at mga tanong at sagot sa Senado kahapon na ang underlying message or at least impression ay hindi kasi papalag ang dalawang iba pang sangay ng pamahalaan. But in the case of DAP, the Supreme Court made a stance and the number was unanimous-13-0!
In defending DAP…lumabas, parang PDAF din, may isusumiting listahan, tapos bahala na kung sino man sa DBM ang maglagay ng pondo rito. Mas mabuti pa ang PDAF kay DAP dahil si PDAF, may nakalagay na amount sa simula pa lamang, alam na kung magkano.
At para ipagtanggol ang halagang katumbas ng DAP, ni lead-sa pagtatanong na ito’y higit sa 2% lamang ng kabuuang pondo ng pamahalaan. At dahil higit lang sa 2%, palampasin na? Ok na yun? Kayo naman, compared sa trillion-peso budget ang liit lang noon ha–that was one of the justification pushed and highlighted in defense of DAP during the Senate hearing.
Kung paano tinutukoy ang mga proyekto, programa, aktibidad na para sa kapakanan ng bansa at mamamayan ay nasapul sa pagtatanong ni Senator Nancy Binay. Hindi prayoridad ang pagsasaayos ng NAIA I na ngayon ay umaalingasaw sa masangsang na amoy nang kawalan ng tunay na kamalayan sa kung ano ang kagyat na dapat gugulan ng salapi ng pamahalaan. Mas mahalaga ang Study ng Stem Cell kaysa sa kakulangan ng mga hospital beds sa mga pampublikong pagamutan.
Sa pagtatanong, hayag na hayag ang bilang ng mga mambabatas na naroon para tumulong sa pagtatanggol ng DAP. Kung sumubaybay kayo, kilala ninyo Kung sino sila.
Sa dulo, nanatiling sa poder pa rin ng hudikatura ang pagtatakda kung anong labag o naaayon sa Saligang Batas. Dapat na manatili yan kung tayo ay tunay na nanatili sa demokrasya.
READ NEXT
MVP nag-sorry sa fans
MOST READ
LATEST STORIES