John kay Priscilla: Napakasarap magmahal ng misis ko!

JOHN  ESTRADA AT PRISCILLA MEREILLES

Kami naman ay super big fan ni Papa John Estrada. Noon pa man ay love na talaga namin ang taong ito – napakabuti niyan sa amin, sweet at mapagmahal. And in fairness to him, he has grown to become one of the best actors this industry has ever produced. Nakaka-miss ang presence niya either sa movie or serye. Sabi nga namin, ngayon pa lang nae-enjoy ni Derek ang ganitong kasikatan at sana’y maalagaan niya ito. Papa John naman has been there before pa kaya ganoon na lang siya ka-secure sa kaniyang stature as an actor.

“I just want to do good projects. Happy ako with ‘Trophy Wife’, sarap mag-character role. Kasi nga, nakakapag-explore ka sa acting. Magagaling pa ang mga kasama namin dito kaya hindi ka puwedeng pabandying-bandying lang. I’m proud of this film. Thanks for having me in,” ani Papa John na sobrang yummy pa rin until now.

Happy naman daw siya sa lovelife niya. For him, puwede niyang maituring na trophy wife si Priscilla Mereilles pero on a different context. Kasi nga, para sa kaniya, dalawa ang definition ng trophy wife – isang pang-parada lang (pang-display) at isang prized possession. Prized possession daw niya ang kanyang asawa.

“She’s not just beautiful inside and out, she’s also very supportive sa lahat ng bagay about me. Napakasarap magmahal and very responsible as a wife and a mom. Kaya wala na akong hahanapin pa sa isang babae, she is my trophy wife,” pagmamalaki pa niya.

Wala bang “trophy boyfriend” na available diyan. Naghahanap po kami. Echos!!!

Read more...