Bagong bombshell laban sa mga Binay | Bandera

Bagong bombshell laban sa mga Binay

Ramon Tulfo - July 24, 2014 - 03:00 AM

KINASUHAN ang mag-amang Vice President Jojo Binay at Makati Mayor Junjun Binay ng plunder sa Office of the Ombudsman dahil daw sa “walang konsensiyang overpricing” sa pagpapatayo ng 11-story parking building sa Makati.

Ang construction ng parking building ay umabot daw ng P1.56 bilyon.

Binalewala naman ni Mayor Junjun ang kaso laban sa kanya at kanyang ama.

Di naman daw bago ‘yun at gawa-gawa lang daw ng mga kalaban nila sa pulitika.

Tinaon daw ang pagsasampa ng kasong plunder sa kanilang mag-ama matapos ang isang Pulse Asia survey na nagsasabing si Vice President Binay ay nangunguna sa mga possible presidential candidates sa 2016.

Si Junjun naman, para namang mangmang ang lahat ng mamamayan!

Bakit di sagutin ni Junjun point-by-point ang akusasyon laban sa kanilang mag-ama?

Totoo bang umabot sa P1.56 bilyon ang nagastos sa pagpapagawa ng gusali?

Napakalaki naman yata ang P1.56 bilyon sa isang 11-story building!

Totoo bang ang initial outlay sa pagpapagawa ng building ay P400 milyon? Bakit tumalon sa P1.56 bilyon?

Kahit na P400 milyon ay lubhang napakataas pa rin para sa 11-story parking building.

Huwag nang magpaliguy-ligoy si Junjun at Vice President Jojo sa pagsagot sa akusasyon. Kailangan ng diretsong sagot: Talaga bang P1.56 bilyon ang building?

Huwag na niyang kwestiyunin ang motibo ng mga nag-aakusa sa kanilang mag-ama dahil kahit sinong mamamayan ay puwede namang magsampa ng kaso laban sa kanila.

Kung totoo ang paratang na grossly and scandalously overpriced ang gusali, masyadong masiba sa pera ang mga Binay. Pero kung naririnig lang ninyo, mga magiliw na mambabasa, ang mga reklamo sa mga Binay ng mga condominium developers, baka maniniwala kayo sa paratang.

Marami na ring lumabas na diumano’y anomalya ng mga Binay sa pagpapatakbo ng premier city, pero walang nangyari.

Puro gross overpricing ang mga akusasyon laban sa mga Binay, maging kay Elenita Binay na naging mayor din ng Makati. Pero hindi natitinag ang mga Binay.

Bagkus ay ibinoboto sila ng mga taga Makati at hindi pinapansin ang mga akusasyon sa kanila.

Matagal nang hinahawakan ng mga Binay ang Makati magmula nang si Jojo ay na-appoint na officer-in-charge ng lungsod nang umupo si Pangulong Cory noong 1986.

Walang sinuman na hindi Binay ang naging mayor ng Makati: Si Jojo, pagkatapos ay si Elenita, at si Jojo naman at ngayon ay ang anak nilang si Junjun.

‘Yan ang tunay na political dynasty.

Siguro, mga sandamukmok na tanga ang mga botante ng Makati.

Habang papalapit ang presidential election sa 2016, kung kailan ay tatakbo si Jojo Binay, parami ng parami ang banat sa kanya.

Dapat ay humanda ang mga Binay sa mga isyung na-expose na at ‘yung di pa lumalabas.

Ang isang pang-aabuso sa kanilang puwesto ay nangyari sa Dasmariñnas Village kung saan pinaaresto ni Junjun Binay ang mga security guards na ayaw pagamit ang isang gate ng village na nakasara na.

‘Yan ay magiging malaking isyu sa Halalan 2016 dahil ito ay lubhang pag-aabuso sa puwesto.

Hindi maitatanggi ni Vice President Jojo na sinabi niyang dapat naman daw ay iginalang ng mga guwardiya ang kanyang anak bilang mayor ng Makati.

Ang pagpapatupad ng isang ordinansa sa isang private village ay hindi paggalang kay Mayor Junjun?

Kahit na siya ang mayor ng Makati, siya’y nasa private subdivision at hindi sa publikong lugar.

Kapag nahalal si Jojo, mas lalong magiging abusado si Junjun at ang kanyang mga kapatid na si Senator Nancy at Congresswoman Abigail.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magiging kanila na ang bansa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending