Enzo kina Aljur at Louise: Wala akong message sa kanila!


Speaking of Enzo Pineda, sa presscon nu’ng isang raw ng Cinemalaya entry nilang “Sundalong Kainin” na ginanap sa La Fiesta Buffet Resto sa Mal of Asia, inusisa sa binata ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Louise.

Natanong si Enzo kung nakaapekto ba ang break-up nila ng Kapuso actress habang ginagawa niya ang “Sundalong Kanin” na kasali nga sa New Breed category ng Cinemalaya na magsisimula sa Aug. 1, sa direksiyon ni Janice O’Hara.

“‘Yung pinagdaanan ko sa lovelife, makikita sa movie. Kung ano ‘yung character ko,” sagot ng binata na gumaganap ngang isang batang sundalong lumaban sa giyera noong panahon ng Hapon na aniya’y pinaka-challenging na proyektong ginawa niya.

“I see myself… as an actor. This is one way by which we can grow as an actor. ‘Yung pagsali ko sa Cinemalaya, sa indie, that’s why I’m here, para ma-improve ko ang sarili ko as an actor,” aniya pa.

Pero naka-move on na raw siya kay Louise, “I think, for me, everything is okay na. Naka-move on na ako, so there’s no need for questions like that na rin also.”

Nang hingan naman ng mensahe si Enzo para sa nababalitang magdyowa na sina Louise at Aljur, ito ang sagot ng binata, “Wala akong message sa kanila.”

Kinumpirma rin ni Enzo na nakikipag-date na siya ngayon, pero hindi niya diretsong binanggit ang pangalan ni Kylie, “Siguro, ganito na lang, let’s just say na nasa dating stage ako right now, pero…hindi exclusive. So, nobody exclusive yet!”

Samantala, excited na si Enzo sa pagsisimula na Cinemalaya Film Festival dahil proud na proud siya na makasali rito. Aniya, napakaganda raw talaga ng “Sundalong Kanin” at tiyak daw na magugustuhan ito ng manonood dahil bukod sa istorya ay ang gagaling daw lahat ng mga kasama niya sa movie.

Ito’y tungkol nga sa mga kabataang sundalo na walang takot na sumabak sa giyera noong panahon ng Hapon (1941). Kung bakit “Sundalong Kanin” ang title ng entry na ito, ‘yan ang kailangan n’yong alamin kaya isa ito sa dapat n’yong panoorin pag nag-start na ang Cinemalaya.

Ka-join din dito ang ilan sa mga magagaling na actor sa local showbiz tulad nina Marc Abaya, Art Acuña at Ian de Leon, kasama rin sina Via Veloso, Janvier Daily, Peewee O’Hara, Elijah Canlas at Nathaniel Britt. Ito’y mula sa Front Media Entertainment.

( bandera.ph file photo )

Read more...